fbpx
28.6 C
Manila
Sunday, August 1, 2021

Hula

Must read

Kung nagkataong may color blue ang pang-itaas na suot mo, at may letrang A o kaya E ang first name mo, para sa yo ang message na ito: Iwanan mo siya. Niloloko ka lang niya.

Joke lang.

Pero kung nagkataong swak sa yo ang description, malamang kinilabutan ka na. Malamang, may maiisip ka talagang nanloloko sa yo. Pwedeng jowa, pwedeng friend, relative, neighbor, at kung talagang praning ka, siguro pati pet nyong aso pagsususpetsahan mo.

Nitong mga nakaraang araw, madalas akong magpahula. May ginagawa kasi akong pelikula, at kailangan kong mag-research tungkol sa hula.

Isa sa mga istilo ng panghuhula na na-encounter ko, ganito:

MANGHUHULA: May nakikita akong letrang E sa buhay mo. Babae siya. Mag-iingat ka.

Sus. Kahit sino siguro, malamang may kaibigang babae na may letter E ang pangalan. Siyempre nagtanong ako.

AKO: Bakit ko po kailangang mag-ingat sa kanya?

MANGHUHULA: Pipikutin ka niya.

Muntik na akong masuka.

May iba namang manghuhula, aura ng isang tao ang binabasa. So nag-experiment ako. Nag-aktres-aktresan. Sa isang manghuhula, humarap akong mukhang problemado. Ang sabi ng manghuhula 1:

MANGHUHULA: May mabigat kang dinadala.

Huwaw.

At dun naman sa isa, nagpaka-Ms Friendship ako. Ngiting-ngiti from start to finish. At ang unang reading ng manghuhula 2:

MANGHUHULA: Magaan ang pasok ng swerte sa yo ngayong taon.

Hahaha.

Nonsense di ba? Hindi talaga ako naniniwala sa hula. Ni horoscope hindi ako nag-aaksaya ng panahong magbasa. Pero naiintindihan ko kung bakit marami ang nahuhumaling. Lalo na yung mga brokenhearted at walang trabaho. Kasi lahat tayo, naghahanap ng assurance. Assurance na may darating ding tamang tao para sa atin. Assurance na bubuti rin ang buhay natin.

Ang nakakaloka pa sa ibang manghuhula, huhulaan ka ng masama, tapos bebentahan ka ng pangontra. Yung isang kaibigan kong sumama sa aking magpahula, nagoyong bumili ng bato. Yes, bato. As in, ding ang bato. Kasi may mga dwende daw sa condo niya. In fairness, sosyal ang dwendeng yun ha, naka-condo.

Pero eto, ngayon ko lang isi-share. Gusto mo ba talagang magka-dyowa? As in gustung-gusto na parang pigsa ka nang puputok sa sobrang pangungulila? Pwes bumili ka ng chocnut, kainin mo, tapos yung balat, drowingan mo ng puso, saka mo hatiin sa gitna. Yung isang piraso ng balat na may kahalating puso, kainin mo. Yes, kainin mo. Tapos yung natitirang piraso, isingit mo nang palihim sa wallet o bag ng taong napupusuan mo. In one week, ma-i-in love sa yo ang taong yun.

Ayaw mong maniwala?

Parang pagpapahula lang yan. Ano naman kung susubukan mo? Walang mawawala. Eh kung magka-dyowa ka nga?

And finally, para sa peace of mind ng lahat ng butihing readers ng blog ko, lumikha ako ng pangontra laban sa lahat ng klase ng malas ngayong 2020 (including global pandemic) at masasamang espiritu. I-click lang ang matatagpuang salita sa ilalim ng post. Ingatan ang larawan. I-print at itago sa ilalim ng unan. At wag kalimutang halikan ng tatlong beses bago matulog para hindi mawalan ng bisa:

ANG PICTURE NI…

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Hindi ako nagpunta rito para makipag away, kiss muna

- Advertisement -

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Latest article