fbpx
29.9 C
Manila
Sunday, April 11, 2021

Agham Youth: S&T para sa masa

Must read

Young musicians from Rizal speak up on music and politics| MIXXXOLYDIAN presents SINGKO

Members: Anton Acosta, Noel Caliwara, Dylan Manuel, Darren Nicolas, and Josh Papa Managers:...

Duterte’s recent SC appointees have more diverse “law schools” background

The Supreme Court (SC) is an elusive institution. Under the mantle of privacy, the Court enables itself with...

The unborn as a legal person: Revisiting Geluz vs Court of Appeals

In 1961 landmark case Geluz vs Court of Appeals (G.R. No. L-16439, July 20, 1961) the Supreme Court through J. B. L....

Teaching Philosophy in SHS: What is Freedom? A Phenomonological Reflection on Freedom of the Human Person

In this series of articles, I will share my experience as teacher of Introduction to Philosophy of the Human Person. Philosophy is...
Liam Atienza
Currently residing in Manila, Liam Atienza is a student of BA International Studies in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). He enjoys writing poetry and prose and reading fictional and political narratives in his spare time. He hopes to be a drag artist and a foreign service officer/diplomat/International Relations scholar someday. For leads, you may email him at liamatienza@politixxx.today, or in Twitter via @theliamatienza.

Isa ka rin ba sa namangha ng mahika ng agham? Tulad ko, kayo rin ba ay naging interesado sa maaaring ambag ng teknolohiya sa lipunan? Masaya rin ba ang karanasan mo sa mga science fair, o sa mga patimpalak tuwing science month? Pinangarap mo na rin ba maging isang siyentista gaya nina Albert Einstein, Marie Curie, at iba pa?

Ilan lamang iyan sa mga tanong na aking nabuo simula noong ako ay bata pa—noong panahong manghang-mangha ako sa liwanag ng mga talang nasa labas ng ating daigdig. Naniniwala ka rin ba sa alien gaya ko? Pumasok ba sa isip mo na tumira sa Mars? Ilan iyan sa mga kayang aralin ng agham. Ngayon, usap-usapan din ang paglawak ng mga robot na may artificial intelligence, o AI. Sa kasaysayan, naimbento ang gulong upang mas mapadali ang transportasyon. Iyan ang nagagawa ng teknolohiya upang mapagaan ang ating buhay. Habang tayo ay tumatanda, lumalawak ang ating kaalaman sa mga ganitong bagay, na siyang tumutulong sa ating pag-usbong bilang isang sibilisasiyon.

Pero ang teknolohiyang dapat ay para sa tao, ay atin bang natatamasa? Isa iyan sa mga hangarin ng Agham Youth (AY). Ang AY ay isang kapisanan ng mga mag-aaral na may interes sa agham at teknolohiya (science and technology/S&T), at may adhikaing ipaglaban na ang agham at teknolohiya ay para sa tao, at dapat nasa lahat ng tao. Ang AY ay nasa ilalim ng Agham—grupo ng mga propesyunal sa larangan ng siyensiya na naglalayong ibahagi sa nakararami ang benepisyo ng pag-unlad ng S&T, na nabuo noong 1999. Ang organisasyong ito ay may iba’t ibang chapter sa ilang paaralan gaya ng Philippine Science High School (PSHS), Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).

Ang kasalukuyang tagapangulo ng Agham Youth – National na si Luke Wesley P. Borromeo, na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Public Health sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Maynila, ay naging kasapi ng Agham Youth simula nang magkaroon ito ng pangkat sa kaniyang unibersidad noong taong 2016. Isa siya sa mga naniniwala na ang S&T ay may kahalagahan sa pagbuo ng mga batas na siyang makatutulong sa pamayanan. Aniya, “science and technology provides factual basis through research and development on how the society functions as a whole. To be able to create policies that serve the people, a policymaker must first learn how the society functions and thrives. The most scientific and objective basis to do that is to integrate with the masses—the very people participating in the society and its development. Through living with them and participating in their production, one is able to deduce how the society progresses, and through that, one would be able to know which policies actually benefit the society. With a stunted and backwards state of science and technology comes a backwards and stunted knowledge of the society; therefore, utilizing and developing science and technology directly benefits the society, and can positively influence policy makers in creating policies that work for the people.”

(“Sa pamamagitan ng pananaliksik at pagpapaunlad ng agham at teknolohiya natin malalaman kung paano gumagalaw ang ating lipunan. Upang magkaroon ng mga polisiya na siyang magtataguyod sa pangangailangan ng tao, dapat malaman ng mambabatas kung paano kumilos ang isang sosyedad upang umunlad ito. Ang pinakamainam na basehan upang maisagawa ito ay pagkaisahin ang madla—ang mga taong nagpapaunlad ng ating lipunan. Sa pakikisalamuha sa kanila natin makikita kung ano’ng implikasyon nito sa pag-asenso. Kung paatras ang estado ng agham at teknolohiya, paatras din ang ating perspektibo sa ating lipunan; kung kaya’t mahalaga ang pagpapaunlad ng agham at teknolohiya na naka-direkta sa interes ng masa, at magbibigay ng dahilan sa mga mambabatas upang gumawa ng mga mandato para sa mga tao.”)

Sinagot din ni Borromeo kung dapat bang nasa kamay ng mamamayan ang S&T. “Yes, science and technology must always be used to genuinely serve the people. History tells us of how science and technology was used for the rise and downfall of nations; of how it was used to create national industries but at the same time used to create weapons of mass destruction. If not used for the people’s benefit, science and technology will remain a weapon of the ruling elite, rather than a tool for societal development and progress.”

(“Oo, ang agham at teknolohiya ay dapat lamang na ginagamit para sa tao, sa lahat ng oras. Isinaad sa ating kasaysayan ang puno’t dulo ng pag-usbong at paglubog ng mga bansa sa pamamagitan ng agham at teknolohiya; kung paano ito nakatulong sa industriya, ngunit nagamit din bilang sandata ng malawakang pinsala. Kung hindi ito mapasasakamay sa masa, ito (S&T) ay mananatili bilang armas ng nasa taas, kaysa magamit sa pagpapaunlad at pagiging progresibo ng lipunan.”)

Isa rin si Johanna Kelly Seras, mag-aaral ng Bachelor of Science in Industrial Engineering sa PUP, at tagapangulo ng AY-PUP chapter sa mga naniniwala na ang S&T ay dapat nasa kamay ng masa. Dahil siya ay nagtapos ng sekundarya sa isang science high school, at bilang tagapagtaguyod ng agham at teknolohiya ay naisipan niyang sumali sa AY. Gaya ng kay Borromeo, naniniwala si Seras na dapat sa pagbuo ng mandato, kailangan ng mabusising imbestigasyon at opinyon ng mga eksperto, lalo na sa larangan ng S&T.

Ani Seras, “With the aid of scientific knowledge and technological advances, policymakers will be empowered and well informed to manage critical resources and to build a sustainable future.”

(“Makatutulong sa mga mambabatas ang kaalaman sa siyensiya, at pagpapaunlad ng teknolohiya para magkaroon ng maayos na pagkakasalansan ang mga kayamanang mayroon tayo, at mas maging maalam tayo sa kung ano’ng maaaring mangyari sa hinaharap.”)

Idinagdag pa niya na ang S&T ay dapat talaga ay para sa tao. Aniya, “science and technology should always be for the people. Ever since, we have seen how positive and negative developments and changes alter peoples’ lives. Technological and scientific revolutions should serve as a growth engine to uphold improvements in education, health systems, transportations and infrastructures for the advancements.”

(“Ang pag-usbong ang ng agham at teknolohiya ay dapat magsilbi bilang makinarya sa pagpapalaganap ng pag-asenso ng edukasyon, kalusugan, transportasyon, at imprastraktura.”)

Gaya ng ginagawa ng mga propesyunal sa Agham na pinapalawig ang kahalagahan ng sektor S&T sa ating bansa, at bilang mga tagapangulo ng AY, halimbawa lamang sina Luke Wesley at Kelly sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng S&T sa mga mag-aaral, sa pamamagitan ng mga edukasyonal na diskurso, mga forum, at iba pang mga programa. Mensahe ni Kelly sa mga kabataang gustong maging siyentista, “we should not believe that science is neutral. It is interwoven into every aspect of our life. You are more powerful than you know, and you should not hesitate to fully utilize the power of science to help and serve the people to cope with environmental and global changes.”

(“Ang agham[ ay bahagi ng iba’t ibang aspecto ng ating buhay. Hindi ka dapat matakot, bagkus ay dapat mong maisaisip ang kapangyarihan ng siyensiya sa pagpapaunlad hindi lamang ng masa, pati ng ating kalikasan.”)

Habang ako ay lumalaki, lagi kong pinaniwalaan na ang agham at teknolohiya ay parang kotse—ang agham ay ang tsuper, at ang teknolohiya ay ang makina. Ang teknolohiya ay ang nagpapatakbo ng karunungang inilabas ng agham. Ang sektor ng S&T ay sobrang halaga lalo ngayong panahon ng pandemya. Ang AY ay nabuo upang pagkaisahin ang madla upang bigyan ng pansin ang S&T sa ating bansa, dahil ang S&T ay para sa masa. Ani Luke Wesley, “science and technology will be nothing without the people. We must strive for a society where science and technology is made to serve the people—always, always serve the people.”

 (“Ang agham ang teknolohiya ay wala kung hindi dahil sa masa. Dapat nating mithiin ang isang lipunan kung saan ito (S&T) ay ginawa para sa tao, sa lahat ng oras.”)

Isa lamang ang Agham Youth sa tagapagtaguyod ng kahalagahan ng agham at teknolohiya sa pag-unlad. Tandaan na ang S&T ay dapat nasa kamay ng madla, at ang pagpapaunlad nito sa pamamagitan ng pananaliksik ay dapat nating matutuhan dahil tayo rin ang makikinabang nito, bilang isang lipunan, sa hinaharap ng mundong ating ginagalawan.

More articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest article

#Eleksyon2022 Ramon Ang as Presidentiable for 2022?

When the pandemic crippled the economy, forced people into poverty and killed thousand of lives, compassionate, powerful individuals stood up to lend...

Ramon Ang’s San Miguel Corporation joined environmental efforts to rehabilitate Pasig River

After the Skyway Stage 3 project, COO and President of San Miguel Corporations (SMC) Ramon Ang announced his company's plans to team...

#EDITORIAL: Duque, it’s time to go.

The captain must come down with the ship—a maxim often uttered in times of peril. It simply means that the weight on...

Philippines calls for immediate release of Daw Aung San Suu Kyi

The Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) invited top diplomats of all Southeast Asian countries to discuss the ongoing democratic problem concerning...

#PUPIkalmaMo: Heed the Call of the Scholars of PUP

The collective sentiment and plea of the Iskolars of the Polytechnic University of the Philippines during their social media protest last March...